
Kapuso, na-miss n'yo ba ang kuwento nina Ella (Shaira Diaz) at Ben (David Licauco) sa One Hugot Away?
Huwag kayong mag-alala dahil muli n'yo na itong mapapanood online at full version pa!
Alamin kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Ella at Ben sa unang episode ng One Hugot Away na pinamagatang Walang Label:
Huwag kalimutang ibahagi sa comments section ang inyong opinyon tungkol sa ending ng love story nina Ella at Ben.
At para sa susunod na episode ng One Hugot Away, manatili lamang na tumutok sa GMA at bumisita sa aming website para sa iba pang updates.