
Dream come true para kay Gabbi Garcia ang makapagbakasyon sa Hawaii.
LOOK: Gabbi Garcia says aloha to Hawaii
Bahagi niya sa panayam ng 24 Oras, “I’m really a beach person so na-enjoy ko ‘yung Hawaii. Pagka-land na pagka-land namin palang, na-feel ko na ‘yung vibes ng pagka-Island girl.”
Dalawang araw lang daw namalagi sa isla si Gabbi pero sulit pa rin daw ito. Kasama rin niya sa kanyang bakasyon ang kanyang mommy Tes Lopez.
“Nag-celebrate kami ng fourth of July. I celebrated it with my mom. Nanood kami ng fireworks display,” kuwento ng aktres.
Nag-enjoy man si Gabbi sa Hawaii, wala pa rin daw papalit sa bansang kanyang kinalakihan.
Aniya, “Wala pa ring makakatalo, for me ah, personally, sa beaches ng Pilipinas. Syempre Pilipino ako, love local, pero maganda rin naman sa Hawaii. Iba rin ‘yung vibe."