
Isa si Kapuso actress Gabbi Garcia sa celebrities na pupunta sa ibang bansa para sa #MakingMEGA issue ng MEGA magazine na lalabas sa October.
WATCH: Gabbi Garcia is going to France for #MakingMEGA
Ayon sa ulat sa 24 Oras, isang linggo mananatili sa France ang dating Encantadia star, at ito ang unang European country na kanyang mapupuntahan. International brands din daw ang imo-model ng young actress, at isang world-class photographer ang kukuha ng kanyang photos.
"It's so overwhelming to have this opportunity, and to be representing the network abroad and in a prestigious magazine. It's a big thing for me, and I'm really preparing for it," pagbabahagi niya.
Narito ang buong report:
Video courtesy of GMA News