
Hindi man siya nanalo, masaya pa rin si Kapuso singer and actress Gabbi Garcia sa kinalabasan ng kanyang performance sa Lip Sync Battle Philippines.
"Grabe, hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko doon. Sobrang adrenaline rush lang lahat pero I really had fun. Na-enjoy ko and ang saya mag-perform for the crowd," pahayag niya.
Lalo pa niyang na-enjoy ang paglabas sa show dahil nagsilbi itong mini reunion ng kanyang mga former Encantadia co-stars at kapwa Sang'gre na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez.
"Sobrang saya ko lang ngayon dahil nag-reunion kaming tatlo," ani Gabbi.
Nagpasalamat din siya kay Sanya dahil ito ang naging special guest niya sa kanyang Round 2 performance.
"San, thank you at sinamahan mo ko," sambit niya sa kaibigan.
"Oo naman. Na-excite ako para sa 'yo at kay Kylie din," sagot naman ni Sanya.
Patuloy na manood ng Lip Sync Battle Philippines, every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.