
Isang linggo na lang at mapapanuod na ang bagong telepelikula sa GMA Telebabad ang Love You Two.
Bida sa telepelikulang ito ang bagong tambalan na #GabJen, na kinabibilangan nina veteran actor Gabby Concepcion at romcom queen Jennylyn Mercado.
Isang starstruck moment daw para kay Jennylyn ang makatambal si Gabby.
Aniya, “E siyempre, nung una ninenerbyos ako at nabubulol-bulol pa ako.
“Pero nung nag-start na kami, ginawa naman niya akong kumportable talaga sa set.”
Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado proud to star in GMA's first-ever telepelikula “Love You Two”
Ayon sa dalawang bida, magkahalong kilig at katatawanan ang hatid ng bagong series.
Pero hindi lamang sa telebisyon natatapos ang katatawanan.
Isang tuksuhan din ang nagaganap sa set dahil nagpapatalbugan daw ng abs sina Gabby Concepcion at ang model na si Clint Bondad.
Sabi ni Gabby, kahit nagtanggal na sila ng shirt ni Clint tila hindi raw sila pinansin ni Jennylyn.
Pabirong niyang sinabi, “Wala sa set, e! May naglalakad lang sa beach.
“Sabi ni Jen 'Uy! Sino yun?'
“Parang, 'Andito kami, hello?'” habang tinuturo niya ang kaniyang katawan.
Alamin ang istorya at kilalanin ang cast ng Love You Two sa chika ni Nelson Canlas:
Mapapanood ang Love You Two simula April 22 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Sahaya.
A love triangle like no other: “Love You Two” premieres this April 22 on GMA Telebabad