
Napanalunan ni Ika-6 Na Utos star Gabby Concepcion ang Asian Star Prize sa naganap na Seoul International Drama Awards sa South Korea. Kinilala ang aktor sa pagganap niya bilang si Rome sa high-rating afternoon drama ng GMA Network.
Dine-dedicate naman ng aktor ang award sa kanyang mga kasama sa show. Aniya, "Sa cast ng Ika-6 Na Utos para inyo ito, sa atin ito. GMA, this is ours."
Dagdag pa niya, "Of course, I'd like to share that with the cast of Ika-6 Na Utos, iba, eh. It wouldn't be possible kung hindi sila magagaling. They carried the show. Mga co-stars ko. Director ko. Mga writers. Our bosses."
Nag-iisang Filipino actor si Gabby na nakatanggap ng award ngayong 2017.
Panoorin ang full report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News