
Nakakalungkot isipin na magwawakas na ang highest rating daytime drama sa bansa, ang Ika-6 Na Utos.
Ang Kapuso leading man na si Gabby Concepcion na siyang gumaganap bilang si Rome ay apektado sa pagtatapos ng serye na nakasalang sa ere ng mahigit isang taon.
Mami-miss daw niya ang kanyang mga kasamahan sa show, “Nakasanayan mo na na magkikita uli kayo ng Mondays, Wednesdays, Fridays. So ngayon, matatapos na iyon. ‘Di na kayo magkikita, malungkot pero marami naman tayong pwedeng abangan na susunod na mga shows.”
Hindi lang ang mga manonood ang nasasabik sa magiging ending ng serye, pati ang mga gumaganap ay hindi rin daw alam kung ano ang mangyayari kina Rome, Emma at Georgia.
“Kung paano magkahiwa-hiwalay ‘yung tatlong karakter nina Emma, Georgia at ni Rome, whether ikaw ay #TeamEmma o #TeamGeorgia, marami kayong istorya na pwedeng ilagay,” bunyag ng dating matinee idol sa Unang Hirit.
Mga Kapuso, huwag na huwag palampasin ang dalawang huling araw ng hit GMA Afternoon Prime soap, ang Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga.