
Marami ang lubos na humahanga kay Gabby Concepcion dahil hanggang ngayon, wala pa ring kupas ang appeal nito.
Reinvention o pagbabago daw ang isa sa mga pinaniniwalaan niyang rason kung bakit siya nagtagal sa industriya.
"Sa pakiramdam ko, ang bawat artista or singer needs to reinvent. Ako, ang span niyan sa tingin ko is about every five years," pahayag niya.
"Puwede kang lumapas five, six [years]. In between pwede kang magkaroon ng something—whether it is a show, mag-iba ka ng itsura, mag-workout ka or whatever. Basta kung within five years at walang nangyayari, kailangan on the sixth year, merong change," dagdag pa niya.
Ibinahagi din niyang natupad ang isa sa kanyang mga dream roles dahil sa katatapos lang na GMA Afternoon Prime hit na 'Ika-6 Na Utos.'
"Actually, nagampanan ko 'tong piloto. Ito dumating na, so kahit na anong ibato sa akin, okay lang. Go lang ako. Wala namang problema. I'm a professional and I will do anything that is given to me sa script," aniya.
Panoorin ang feature sa kanya sa programang Tonight With Arnold Clavio.