
Muli na namang nakatanggap ng pagkilala si Kapuso actor Gabby Eigenmann para sa kanyang pag-arte.
Siya kasi ang hinirang ng Asian Academy Creative Awards na Best Actor in a Supporting Role para sa kanyang pagganap sa GMA Afternoon Prime series na Contessa.
"Nakakataba ng puso na binibigyang pansin ang ginagawa mo because I'm very passionate about what I do," pahayag niya.
Ibinahagi din niyang may panibago siyang project na medyo musical ang tema. Dahil daw dito, naalala niya ang kanyang "first love."
"I miss singing. When I was in SOP years ago, that's how I started eh--singing. I used to rap," aniya.
Samantala, dream project pa rin daw niya ang makatrabaho ang buong angkan ng mga Eigenmann.
"It's always been my dream to work with the whole family. To have one project the whole family, the Eigenmann clan, habang kaya pa ng lahat [at] habang active pa, so 'yun ang dream talaga," pahayag niya.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: