
Time out muna si Onanay star Gardo Versoza sa pag-te-taping para sumali sa isang Zumba workout session kasama ang kanyang longtime partner na si Ivy Vicencio.
Sa videong ito mapapanood kung paano humataw ang 48-year-old actor sa saliw ng mga kantang "BBoom BBoom," "Dura" at "I Know You Want Me."
Ang Zumba ay isang mabisang paraan upang mabawasan ang timbang. Ilan lamang sina Regine Tolentino, Valeen Montenegro at Giselle Sanchez ang tumatangkilik sa fitness program na ito.