
Para sa Father's Day celebration ng Sarap Diva, ang '90s sexy actors na sina Gardo Versoza, Leandro Baldemor, at Allen Dizon ang nakasama ni Regine Velasquez-Alcasid.
Muli nilang binalikan ang ilan sa mga fun memories nila noong '90s bilang sexy actors.
Nakatanggap naman ang mga "Super Tatay" ng surprise videos mula sa Sarap Diva. Dito ay binati sila ng kanilang mga anak para sa Father's Day kaya naman naging emosyonal sina Gardo, Leandro, at Allen.
Bilang sorpresa naman sa mga manonood ay may handa silang mga "ST recipes." Panoorin kung paano gawin ang Super Tuyo sa Tag-ulan, Super Talong, and Sisig ni Tatay.
Subaybayan tuwing Sabado ng umaga ang masarap na kainan, kantahan at kuwentuhan sa Sarap Diva.