
Ngayong malapit na ang Father's Day ay ibinahagi ni Gardo Versoza ang isang bagay na kanyang pinanghihinayangan na gawin kasama ang kanyang ama.
Ani ni Gardo, "'Yung sa akin siguro may panghihinayang kasi bago siya nawala sabi ko noon, sabi ko, 'Dad, bago ka man lang mawala, pina-promise ko sa'yo na dadalhin kita sa ano, maggu-good time tayo...magba-bar tayo, magchi-chicks tayo, magpa-father and son bonding tayo.' Masakit lang dahil nakailang beses siyang na-stroke and then hanggang sa nawala na siya hindi ko na-fulfill 'yung promise."
Dahil sa kanyang nabaling pangako ay nagbigay siya ng aral sa mga manonood na dapat tuparin ang kahit ano pang ipinangako sa mahal sa buhay. Ayon sa Kapuso actor, "Para sa akin isa 'yun sa natutunan ko na kailangan everytime na gagawa ka ng promise, dapat kaya mong panindigan. Hindi lang naman sa pagiging isang ama eh, kahit sa work, kahit sa partner mo. Never kang gagawa ng isang promise na hindi mo kayang panindigan."