
May bagong grupo ng Kapuso hotties na makiki-share sa spotlight ng JEYA Boys ng Meant To Be. Sila ay walang iba kundi ang GAYA Boys na nakigulo sa Boys Room ng Sunday PinaSaya kamakailan lamang.
WATCH: Mga pogi at machong celebrities, nagtapatan sa ‘Sunday PinaSaya!’
Excited na ang StarStruck VI graduates na sina Dave Bornea at Carl Cervantes at ang mga models-turned-actors na sina Vince Vandorpe at Matthias Rhoads na ibida ang kanilang galing sa pagpapakilig.
WATCH: Sino ang famous commercial model at future heartthrobs na humahaomon sa JEYA Boys ng ‘Meant To Be’?
Ano kaya ang kanilang mga paghahanda sa nalalapit na paghaharap nila ng JEYA Boys ng Meant To Be?
“Nagwo-workshop kami, and we’re preparing a lot like getting to the character and everything,” bahagi ni Vince.
Nakabuo na raw ng good working relationship ang bagong cast, “Noong nag-start ang workshop, ‘yung bonding namin, sobrang lakas na.”
Ayon kay Dave, pinag-aralan daw nila nang husto ang kanilang magiging papel sa patok na teleserye at handa na silang sumalang.
“Para mas exciting, abangan niyo na lang po. Hopefully, next week,” saad ng binata sa Unang Hirit kaninang umaga.
MORE ON 'MEANT TO BE':
WATCH: What you’ve missed from ‘Meant To Be’s’ episode on April 25
WATCH: Meant To Be: Out na si Yuan bilang manliligaw ni Billi?