
Mukhang wala ng pinipiling kalaban at lugar si Georgia dahil ngayong Sabado, April 1, matitikman na namang muli ang kanyang pagiging kontrabida.
Si Ryza Cenon o Georgia sa Afternoon Prime soap na Ika-6 na Utos ay dadalaw kay Regine Velasquez-Alcasid para sa Sarap Diva. Ngunit hindi naman ito para awayin ang ating Cooking Diva kundi para makipag-chikahan at pati na rin ibahagi ang isang masarap na recipe.
Makakasama rin ni Ryza sina Aaron Yanga at Ate Velma.
Panoorin ang lahat ng ito ngayong Sabado, 10:30 am.
MORE ON 'SARAP DIVA':
IN PHOTOS: Love and second chances with Camille Prats and VJ Yambao