What's Hot

WATCH: Geryk Genasky message to former wife Isabel Granada

By Gia Allana Soriano
Published October 27, 2017 10:05 AM PHT
Updated October 27, 2017 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Geryk para sa kanyang dating asawa na si Isabel Granada.

Naka-confine pa rin sa ospital ang aktres na Isabel Granada. Marami na sa kanyang kaibigan sa showbiz, pamilya, at mga malalapit na kamag-anak ang nagbigay ng mensahe sa aktres. Kabilang dito ang kanyang former husband, ang politician-businessman na si Geryk Genasky Aguas.

Ani ni Geryk, "Andito kami ng anak niya, yung nanay niya. Kungbaga po naiwan na po kami ni Isabel ng isang beses, kaming tatlo. Ngayon po, kung maaari, hindi na po namin papabayaan na mangyari yun."

Dagdag pa niya, "Alam niyo po, alam ko, na alam niya na mahal na mahal ko siya. Sabi ko po sa kanya I will love you for eternity." 

Nagpakasal sina Isabel at Geryk noong 2002, ngunit naghiwalay din. Asawa ngayon ni Isabel si Arnel Colwey na pinakasalan naman ni Isabel noong 2015. May anak din si Isabel kay Geryk, ang binatang 14-years-old na ngayon na si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas. Lilipad pa Doha, Qatar ang mag-ama upang makapiling ang aktres.

READ: Mommy Guapa at anak na si Hubert ni Isabel Granada, lilipad sa Qatar

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video from GMA News