
Nagsisimula nang maghanda ng kanilang mga Christmas gifts ang ilang Kapuso stars para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Personalized na mga gamit daw ang gustong ibigay ni 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen Marquez.
"Maybe books or cups na personalized, 'di ba? Kasi kahit pagtanda nila, magagamit pa rin nila 'yun," pahayag niya.
Si Julie Anne San Jose naman, mahilig mamigay ng pastries tuwing Pasko.
"'Pag nag-regalo naman kasi ako, very simple lang. Gusto ko 'yung magagamit nila, maaalala nila ako," aniya.
Alamin ang iba pang gift ideas mula sa mga Kapuso stars sa buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: