
Mukhang excited na rin si My Love From The Star leading man Gil Cuerva na ibahagi sa mga manonood ang nakakakilig na kissing scene nila ni Ultimate Star Jennylyn Mercado.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gil ang isang maikling video ng kiss ng kanilang mga characters na sina Steffi at Matteo.
Pangako naman ng model-actor na mapanood ang eksena sa upcoming episode mamayang gabi.
"Ito na guys!!! Mamaya na to promise!!!" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Abangan ang unang kiss nina Steffi at Matteo ngayong gabi sa My Love From The Star, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.