
Sakto para sa parating na Valentine's Day, sinubukan ni Kapuso cutie Gil Cuerva ang tandem workouts o mga ehersisyong maaaring gawin nang may kapares.
Makakasama niya si Moniqua Arroyo, isa sa kanyang mga tagahanga.
Sa tulong ng fitness trainer na si Anton Tagorda, sinubukan nila ang cloud nine—ehersisyong mabuti para sa mga hita, tandem lunges at plank with claps.
Silipin ang kanilang gym date sa feature na ito ng Pinoy MD.