
Muling nagbabalik ang funny tandem nina Gladys Guevarra at Pekto at this time, nagbigay sila ng aliw sa mga netizens.
Ang "Banig and Usher" ay nagsimula sa 2009 show na Show Me Da Manny kung saan bumida sina Manny Pacquiao at Marian Rivera.
Sa viral post ni Gladys Guevarra sa kanyang Facebook account, ipinakita niya ang kanilang reunion ni Pekto sa pamamagitan ng isang nakakatawang skit. Aniya, "Due to insistent public demand, ladies and gentlemen of social media . . . We bring you back “Banig & Usher!”
Kasalukuyang may 1.2 million views na ang Banig and Usher video sa Facebook.