Celebrity Life

WATCH: Gladys Reyes at Christopher Roxas, ibinahagi ang tatlong 'P' para sa matagumpay na pagsasama

By Marah Ruiz
Published February 28, 2018 12:01 PM PHT
Updated February 28, 2018 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Gladys Reyes at Christopher Roxas, kailangan may 'prayers, patience at partnership' para magtagal at tumibay ang pagsasama.

Ayon sa mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, galing daw sa kanilang mga anak ang ideya sa likod ng kanilang reaffirmation of vows na ginanap no'ng Jan. 23, 2018 sa Tagaytay City.

"Kaya kami nagkaroon ng idea na magpakasal ulit kasi 'yung anak namin na babae, siya 'yung nagsabi na bakit wala sila noong wedding. So sinabi namin, 'Wala pa kayo noon,'" paliwanag ni Christopher sa show na Tonight With Arnold Clavio. 

"Magte-twenty five years na tayo together so gawin na lang natin. Kasi inisip ko rin, hindi naman tayo sigurado na may bukas pa eh. Sure lang tayo today. Tomorrow, hindi natin alam. Naisip ko magandang [idea] kasi witness 'yung mga bata. Ibang experience," dagdag pa niya. 

Ang kanilang mga anak din ang nagsilbing entourage nila.

Ibinahagi din ni Gladys ang tatlong P's na naging sikreto nila sa matagumpay nilang pagsasama: prayers, patience at parnership.

"Kasi ang talagang biggest factor sa amin po 'yung faith namin, our religion. Nasa P 'yung prayers kasi nandoon na lahat— 'yung faith, 'yung religion," ani Gladys. 

"Pagkatapos noon, 'yung patience. Sa patience nakapaloob na rin doon 'yung respect. Kasi 'yung nagpapasensiya ka doon sa taong mahal mo, ibig sabihin lang nirerespeto mo rin 'yung individuality niya," pagpapatuloy niya. 

"Lasty, 'yung partership. Kasi maraming nagsabi 'Ay nagtagal 'yan dahil doon sa babae.' Para sa akin, kuya, malaki man ang partisipasyon ng mga babae pero talagang it takes two to tango. Cliche na 'yun pero para sa akin kasi kahit na gaano ka pasensiyosa 'yung babae, kahit na wino-work out niya, pero kung 'yung lalaki ayaw na, wala kang magagawa. Dalawa talaga kayo," pagtatapos niya. 

Alamin ang iba pang memorable moments mula sa reaffirmation of vows nina Gladys at Christopher sa panayam sa kanila ng programang Tonight With Arnold Clavio: