GMA Logo
What's Hot

WATCH: Glaiza de Castro at Joel Palencia, bumalik sa kabataan sa paglalaro ng mga larong Pinoy

By Marah Ruiz
Published February 13, 2020 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Muling nasubukan nina Glaiza de Castro at Joel Palencia ang mga laro mula sa kanilang kabataan.

Napasabak sina Kapuso stars Glaiza de Castro at Joel Palencia sa paglalaro kasama ang ilang mga bata.

Glaiza de Castro at Joel Palencia
Glaiza de Castro at Joel Palencia


Nakalaro nila ng luksong tinik, sisiw at lawin, at kalang kalang ang mga batang ulila na inimbitahan ng St. Louis College sa Valenzuela.

Natuwa naman ang dalawa dahil naalala nila ang sarili nilang kabataan sa mga laro.

"Ang sarap sa pakiramdam na maging bata ulit kasi 'yung ilan sa mga larong 'yun na ginawa namin, ginagawa ko talaga noong bata ako. Competitive talaga 'ko diyan," ani Glaiza.

"Naabutan kasi namin 'yung mga panahon na ganoon talaga 'yung nilalaro namin. Talagang sobrang na-miss namin," pagsang-ayon naman ni Joel.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:



WATCH: Glaiza De Castro did the 'Tala challenge' in 2016!

WATCH: Joel Palencia and Kenneth Medrano dance 'Tala'