
Tapos na ang last taping day ng Contessa. Ano na kaya ang plano ni Glaiza de Castro pagkatapos ng show?
Aniya, balak muna niyang ibuhos ang kanyang oras sa pamilya upang maka-bonding ang mga ito. Plano rin niyang tingnan ang kanilang property sa Aurora.
Ikinuwento rin ni Glaiza na ngayong September ay balak niya pumuntang London para tingnan kung saan siya puwede mag-aral ng music production.
Aniya, "[I'm planning to go there] for a short trip, kung saan ako puwede pumasok for the next year, [the] next school year. Titingin muna ako ng eskwelahan na puwedeng pasukan ko."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras: