GMA Logo
What's Hot

WATCH: Glaiza De Castro, balik-Pinas matapos ang tatlong buwang pag-aaral sa London

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 30, 2019 12:15 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Kuwento ni Glaiza De Castro, hindi alam ng kanyang mga kaklase na isa siyang celebrity sa Pilipinas hanggang sa makita ang milyon-milyon niyang followers sa social media.

Natapos na ni Kapuso actress Glaiza De Castro ang kanyang tatlong buwang pag-aaral sa London.

Glaiza De Castro
Glaiza De Castro


WATCH: Glaiza De Castro, na-feature sa Point Blank Studio Sessions sa London

Sa kanyang pagbabalik, ikinuwento ni Glaiza na kakaibang experience para sa kanya ang manirahang mag-isa sa London.

"Magandang journey naman, magandang experience na gigising ka sa umaga ta's aasikasuhin mo 'yung kakainin mo, 'yung assignment mo, 'yung mga labahan mo, so masaya naman," kuwento ni Glaiza.

READ: Glaiza de Castro's guide to London

Dagdag pa ni Glaiza, hindi alam ng kanyang mga kaklase na isa siyang celebrity sa Pilipinas hanggang sa makita ang milyon-milyon niyang followers sa social media.

"Sabi nila, 'We heard we're on the Filipino news.' Sabi ko, 'Yes, yes. Here's the link.' Tapos sabi nila ang saya daw," saad ni Glaiza.

Nagbakasyon din si Glaiza sa hometown ng kanyang nobyo na si David Rainey sa Ireland.

Kuwento ni Glaiza, "Nakita ko kung saan siya nakatira, kung ano 'yung mga pinupuntahan niyang mga lugar. Na-meet ko 'yung mga kaibigan niya, kasi before na-meet ko 'yung parents niya."

Alamin ang buong detalye ng London experience ni Glaiza sa buong report ni Lhar Santiago: