What's Hot

WATCH: Glaiza de Castro, inspired sa kanyang upcoming concert dahil sa K-Pop idols

By Bea Rodriguez
Published September 10, 2017 4:56 PM PHT
Updated September 10, 2017 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis spends time with daughters, Lian Paz, John Cabahug during the holidays
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso star kung papaano siyang nakakuha ng inspiration mula sa kanyang paboritong K-Pop idol na si G-Dragon mula sa boy band na Big Bang.
 

Day & Night Outfit @darylmaat x @gui_alapan

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

 

Certified fan girl si Kapuso star Glaiza de Castro sa concert ng kanyang paboritong K-Pop idol na si G-Dragon ng sikat na boy band na Big Bang.

Anim na oras nakatayo ang aktres-singer pero sulit daw ito dahil nakita niya nang malapitan ang kanyang idol. Nakakuha pa siya ng inspirasyon mula sa concert para sa kanyang darating na “Kun[G]diman” show sa Music Museum ngayong October 27.

“Kung ano ‘yung mga napanood ko doon sa concerts ni G-D ng Big Bang, tina-try ko siyang i-apply,” kuwento ng aktres sa 24 Oras.

Bukod sa kanyang musika, itatampok din ni Glaiza ang kanyang mga naisulat na tula, “May ibang meaning siya bukod doon sa kundiman na mga kanta na galing sa mga tula noong mga unang panahon tapos ang kundiman ngayon [ay] medyo may hugot talaga sa mga kanta.”

Naka-focus ang atensiyon ngayon ng Kapuso star sa kanyang musika. Sa katunayan, kaka-release lang niya ng kanyang album na may titulong “Magandang Simulain.”