
Palaban ang magiging karakter ni Kapuso star Glaiza de Castro sa kanyang pagbibidahang GMA Afternoon Prime soap na Contessa ngayong Marso. Sa istorya, itutulak siya ng mga tao at ng mga nakapalibot sa kanya upang maging matapang.
“Nagsimula kasi siya na malinis naman ‘yung intention niya eh. Gusto niya lang mabuhay nang payapa eh. Gusto niya lang makatulong sa pamilya niya pero may mga bagay talaga at may mga tao na hahadlang para magawa niya o para makamit niya iyon,” bahagi ng aktres sa Unang Hirit.
Tulad ng kanyang karakter, ginagawa rin ni Glaiza lahat upang matupad ang kanyang mga pinapangarap sa buhay, lalong-lalo na pagdating sa pinansiyal na aspeto.
Aniya, “Nagre-ready lang ako sa future ko. Gusto ko bumili ng mga lupa tapos patayuan siya ng apartments or townhouse tapos gusto ko rin magkaroon ng rest house.”
Samantala, ano naman kaya ang 2018 goals ng kanyang Contessa co-stars na sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann at Lauren Young? Panoorin sa report na ito.