Sa Encantadia makikitaan ng tapang at talino ang karakter nina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Ruru Madrid. Kaya naman sinubok nina Iya Villania at Drew Arellano sa People vs The Stars, ang tatlong bida ng iconic telefantasya.
Sa isang tanong, ikinagulat nina Glaiza, Sanya, at Ruru ang pagkakasunod sunod ng edad ng Eat Bulaga Dabarkads na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Hide and seek ang tema ng Brain Buster nitong nakaraang Linggo. Pero hindi umabot ang sagot ni Sanya kaya hindi nila nakuha ang Php 50,000.
Hindi nauwi nina Glaiza, Sanya, at Ruru ang Php 20,000 para sa kanilang final question. Pero, may pasabog si Ruru para sa mga tagasubaybay ng Encantadia.
Samahan muli sina Drew at Iya sa isa na namang fun and informative episode ng People vs. The Stars, this Sunday at 5:00 pm.
MORE ON PEOPLE VS. THE STARS:
Jak Roberto at Addy Raj, nagpasilip ng "pandesal" sa People VS The Stars