What's Hot

WATCH: Gloria Romero, binalikan ang kanyang karanasan bilang extra

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 10, 2017 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Alam n'yo ba na hindi nasabi ni Ms. Gloria Romero ang kanyang linya nang siya ay extra pa lamang?

Bago naging sikat na artista ang beteranang aktres na si Gloria Romero noong '60s, naranasan niya ring maging isang acting extra.
 
“Nag-umpisa ako as an extra. Tatawa-tawa lang doon [at] walang dialogue. Noong binigyan ako ng dialogue, isang linggo kong minemorize,” patawang inalala ng 83-year-old actress sa Mars.
 
Nagsimula siya sa 1949 film na Ang Bahay sa Lumang Gulod sa ilalim ng Premiere Productions kung saan nakatrabaho niya ang dating sikat na aktor na si Efren Reyes.
 
“Nanginginig ‘yung tuhod ko,” ang naramdaman ng aktres habang kinukunan ang kanyang eksena na may dialogue na “Hihintayin kita, Prinsipe Don Juan!”
 
Hindi raw makaimik ang dating extra sa pelikula kaya kinailangan ulitin ng director ang eksena ngunit hindi niya pa rin masabi ang kanyang lines dahil sa nerbiyos.
 
“Sabi ng director, ‘Sino ba ‘yang babaeng kinuha ninyo? Tanggal na, take her out! She’s destroying the whole scene,” saad ni Gloria patungkol sa kanyang unang karanasan sa showbiz.
 
“Pagdating ko sa bahay, nagsalamin ako [at] nagre-rehearse na lang ako sa banyo. Bakit hindi ko nasabi? Pinagalitan ako ng tatay ko sa Pangasinan,” pagtatapos ng aktres.
 
Mag-70 taon nang namamalagi ang beteranang aktres sa Philippine showbiz at isa siya sa pinakarespetadong tao sa industriya.

 

 




MORE ON GLORIA ROMERO:
 
READ: Gloria Romero, nag-enjoy ngunit kinabahan sa pagsabak sa ‘Kalye-serye’
 
LOOK: Maine Mendoza and Gloria Romero share one thing in common
 
READ: Tom Rodriguez reacts to Gloria Romero being a huge fan of ‘Someone to Watch Over Me’