What's Hot

WATCH: Gloria Sevilla, nananawagan sa Pangulo na tulungang maibalik ang sigla ng pelikulang Pinoy

By Cara Emmeline Garcia
Published June 20, 2019 11:00 AM PHT
Updated June 20, 2019 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpahayag ng ilang hiling ang veteran actress na si Gloria Sevilla para maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Pinangaralan ang beteranang aktres na si Gloria Sevilla ng Lifetime Achievement Award sa naganap na 42nd Gawad Urian Award noong Martes, June 18.

Gloria Sevilla
Gloria Sevilla

Sa kanyang acceptance speech, nanawagan si Gloria kay Pangulong Duterte na ipatupad ang reporma sa industriya para maibalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Kabilang sa kanyang pakiusap ang pagbibigay ng medical incentives sa seniors at limitahan ang pagpasok ng foreign films sa bansa.

“Just limit the coming in of foreign films,” pahayag ni Sevilla.

“Tulad na lang ng mga American movie, ang taxes nila mga 50.

“Dapat sa industriya natin, mga 10 or 15 lang ang ibabayad ng mga tao.

“Iyan ang gusto ko sanang mangyari para matulungan tayo.”

Sumasangayon dito ang primera kontrabida na si Cherie Gil, na pinangaralan bilang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres para sa pelikulang Citizen Jake sa parehong awards night.

Saad ni Cherie, kung ikukumpara noon ay nananamlay raw ang industriya ngayon.

“I do agree. We are in a crisis.

“I've been able to experience the slumps, the highs and the lows, and the golden era of Philippine cinema in the '80s.

“And patuloy pa rin tayong umaahon kasi ganun naman tayong mga Pilipino.”

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:

Cherie Gil wins Best Supporting Actress for her performance in 'Citizen Jake'

WATCH: Cherie Gil, emosyonal na tinanggap ang kauna-unahang Gawad Urian Award