
Postpartum depression ang pinagdadaanan ni Luisa (Glydel) pagkatapos mamatay ang dinadala niyang anak sa The Stepdaughters.
Ayon sa kanyang doktor, unstable pa ang kanyang kalagayan kaya kinakailangan niyang uminom ng gamot.
Full support sina Hernan at Mayumi para bumalik sa normal si Luisa ngunit pinapalala naman ni Isabelle ang kondisyon ng kanyang stepmother.
Niresetahan ng doktor si Luisa ng anti-depressant habang lihim namang pinapainom ni Isabelle ng ibang gamot si Luisa para mas lumala ang kanyang kalagayan.
Tuluyan na bang mabaliw si Luisa o may pag-asa pa itong gumaling? Abangan ang mga pangyayari sa hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.