GMA Logo GOT7 at Cha Eun Woo in Manila
What's Hot

WATCH: GOT7 at Cha Eun Woo, nagpakilig sa kani-kaniyang fan meet sa bansa

By Cara Emmeline Garcia
Published October 28, 2019 2:06 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

GOT7 at Cha Eun Woo in Manila


Parehong nasa Pilipinas ang K-Pop boy group na GOT7 at 'Gangnam Beauty' star na si Cha Eun Woo noong Sabado, October 26.

GOT7

Tiliaan ang sumalubong sa K-Pop boy group na GOT7 sa kanilang concert sa Mall of Asia Arena noong Sabado, October 26.

Ang stop over nila sa Manila ay parte ng kanilang Keep Spinning World Tour upang i-promote ang kanilang comeback album na pinamagatang “Spinning Top” na ini-release noong Mayo.

Ang K-Pop group ay binubuo ng pitong miyembro na sina JB, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, Bambam, at Yugyeom.

Ito ang ikalawang beses nilang bumisita sa Pilipinas.

Keep Spinning! #got7 #got7inmanila2019 #keepspinningworldtour #kpop #kpopidol #boygroup

A post shared by Jon (@jondespa) on

Cha Eun Woo

Noong Sabado rin ginanap ang first-ever meet and greet ng Astro boy member at Gangnam Beauty star na si Cha Eun Woo.

Napuno ng hiyawan at kilig ang buong New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City nang makita ang Korean oppa.

Its was a memorable night with you @eunwo.o_c 😘💜 I will never forget this 😍 SUCH A GOOD NIGHT 💜 #JOTMinMANILA #ChaEunWooManila2019 #ArohaProtector ©pics

A post shared by Marlou Peras Degorio (@marlsdegorio) on

Isa na sa mga dumalo ay ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez na aminadong big fan rin ng aktor.

Ayon kay Wyn, “Talagang bumili ako ng ticket para makita ko siya in person.

“So, pumila and everything else para lang makita siya. Haha!”

Game na game rin ang aktor sa pagsasalita ng ilang Tagalog words tulad ng “mahal kita” at “pak na pak.”

Kinanta rin niya ang hit single ng Ben&Ben na 'Kathang Isip.'

Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:


K-Pop star Cha Eun Woo is in Manila!

IN PHOTOS: Pinoy celebrities na K-Pop at K-Drama fans