
Bukod kay Mak Tumang na gumawa ng winning gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, bumida rin ang gawa ng ibang Filipino designers.
Si world-renowed Michael Cinco ang gumawa ng gown ni Miss Universe Canada Marta Magdalena Stępień.
Nagsuot si Miss Universe Ecuador Virginia Limongi ng gown na dinisenyo ni Mark Bumgarner samantalang gawa naman ni Joel Escober ang suot ni Miss Universe Japan Yuumi Kato.
Bukod sa kanilang tatlo, may siyam pang mga kandidata ang nagsuot ng gown na gawang Pilipino.
Alam kung sino-sino sila sa report na ito ng Unang Hirit:
Video courtesy of GMA News