What's Hot

WATCH: Gretchen Barretto, nag-issue ng public apology via Instagram live video

By Bea Rodriguez
Published June 10, 2018 12:42 PM PHT
Updated June 10, 2018 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang socialite at ang kanyang grupo na hindi tama ang kanilang naging reaksyon noong binabasa nila ang sulat ng isang tagahanga na humihingi ng tulong.

Humingi ng paumanhin ang aktres na si Gretchen Barretto sa pamamagitan ng Instagram Live video sa letter sender na pinagtawanan niya at ng kanyang mga kaibigan noong nakaraang linggo.

Aminado ang socialite at ang kanyang grupo na hindi tama ang kanilang reaksyon noong binabasa nila ang sulat ng isang tagahanga na humihingi ng tulong.

“Joanne Mula, I apologize, we apologize. Right after po, we’re all laughing that night. This is between Patty Pineda, Mimi Que, myself, and JMula. Si JMula po ang nagpadala ng request o ang kanyang mga wishes. It was very rude, I admit. It was very inappropriate, [and] unlady-like for us to behave that way,” paunang sinabi ni Gretchen.

Nagpaumanhin rin siya sa kanyang inasal, “Sorry po at minsan ay nakakalimutan ko po na 48 years old na ako, and I should be behaving my age. But, if talagang sadyang immature pa rin po ako, I am very sorry. I’d like to make a public apology.”

Ngunit, noong June 6 (Miyerkules) pa napatawad ng fan ang kanyang idolo, “Joan Mula already accepted our apology that very night.”

Nagpadala pa ito ng mensahe sa grupo, “Maraming-marami pong salamat talaga sa inyo Ma’am Gretchen, Ma’am Patty and Ma’am Mimi. Alam niyo po may nanghingi ng address ko [at] magpapadala din po siya ng Ensure at huwag na daw po sabihin ang name niya. More power po sa inyo.”

Dagdag pa nito na baka language barrier ang dahilan ng hindi pagkakaintindi, “Actually, nanunuod din ako sa [Instagram] Live [at] natatawa din ako kasi Bisaya ako, Suriganon [at] Tagalog sila so talagang mahirap intindihin ang letter ko. Akala nila lahat ng persons doon [ay] may request ako—sa anak ko, kapatid ko na may cancer. Hindi pala. Ensure milk lang pala. Okay lang po, nakakatawa naman talaga. May God bless you a thousand fold. Salamat naman at natawa kayo sa letter ko. Laughter is the best medicine!”

Ang pag-grant ng request sa mga taong nangangailangan ay parte ng charity project ng grupo ni Gretchen. 

Video from Pinoy Showbiz Latest's YouTube channel