What's Hot

WATCH: Gumaganap na batang Lawiswis na si Althea Ablan, paano nagsimula sa showbiz?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 4, 2017 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkuwento ang tween actress kung paano nga ba siya nabigyan ng break sa showbiz. 
 

A post shared by Altheyah Ablan (@altheyahablan30) on

 

Sa edad na 12 years old ay nasungkit na ng tween actress na si Althea Ablan ang kanyang dream role na batang Lawiswis sa hit 2017 telefantasya remake na Mulawin VS Ravena.

Sa paglipad ng higanteng telefantasya sa ere ay naranasan din niyang lumipad sa pamamagitan ng kanyang character na si Lawiswis. Unti-unti na ring lumilipad nang pataas ang kanyang karera sa showbiz.

Marami tuloy ang nagtataka kung paano siya nagsimula bilang artista kahit full time student siya.

Kuwento ng batang aktres, “Sabi po kasi ng classmate ko, gusto niya rin po maging artista. Paano daw po ako naging artista so sabi ko po [ay nag-try] ako ng commercial then nag-audition ako [sa] GMA tapos naging Artist Center [talent] na po.”

Sa katunayan, ilang commercials na ang nagawa ni Althea at na-cast na rin siya sa requel ng Encantadia. Ang kanyang kinikita ay pinangtutustos niya sa kanyang pag-aaral at sa gastusin ng kanyang pamilya.

Nais niyang magsilbing inspirasyon sa mga batang nangangarap at maging social media ambassador.

Video from GMA News

Photos by: @jaltheyahablan30(IG)