
Napamahal sa manonood ng Mulawin VS Ravena ang six-year-old child star na si Leanne Amber Bautista sa kanyang pagganap bilang batang Anya sa iconic telefantasya ng Kapuso network.
Hanga pa sa kanyang galing sa pag-arte ang kapwa niyang mga artista tulad nina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Carla Abellana at Chynna Ortaleza.
Sa katunayan, hindi na raw nahirapan ang acting director ng serye na si Yan Yuzon na tulungan ang batang aktres dahil sa kanyang talento.
READ: ‘Mulawin VS Ravena’ stars at netizens, bilib sa galing sa pag-arte ng batang Anya
Ang sikreto ni Leanne ay ang pagbabalanse ng kanyang pag-aaral, paglalaro at pagsho-showbiz, “Gusto ko pong mag-aral tapos po nun kapag po may may shooting pa po ako sa Mulawin [VS Ravena], nag-aaral pa po ako ng script.”
Bukod sa kanyang acting break sa higanteng telefantasya, minsan na siyang gumanap bilang anak nina Juan at Happy sa GMA Telebabad soap na Juan Happy Love Story noong nakaraang taon.
Napupusuan niya raw talaga ang gumawa ng drama kaya looking forward ang child actress sa iba pang roles na kanyang gagampanan pagdating ng panahon.