
Ramdam na ramdam na ng ilang Kapuso celebrities ang Pasko kaya naman ipinasilip na nila ang kani-kanilang Christmas trees.
May mga nakasabit na ibon, white roses at blue ceramic balls ang disenyo ng Christmas tree ni Heart Evangelista samantalang classic Christmas colors naman na red and gold ang tema ng kina Sunshine Dizon.
Sinabitan naman ni Iya Villana ang kanilang Christmas tree para sa lumalaki nilang mga anak na sina Primo at Leon. Nakapaligid naman sa Christmas tree sa bahay nina Neri Naig-Miranda at Chito Miranda ang paintings ng kanilang unico hijo na si Baby Alfonso.
Alamin din ang tips ni Heart kung paano makakatipid ngayong Pasko sa report na ito ng Unang Balita: