
May pagkakataon na ang publiko na mabili ang mga gamit ng Kapuso artists na sina Heart Evangelista, Camille Prats, at Sanya Lopez sa nalalapit na GMA Celebrity Ukay-Ukay sa Noel Bazaar.
Dinonate ni Heart ang dalawang luxury bags galing sa Sequoia Paris, isa sa maraming brands na kanyang ineendorso. Espesyal ang mga ito dahil ito ang kanyang ginamit sa kanyang unang collaboration kasama ang brand.
Ready to score Heart Evangelista's pre-loved luxury bags? Get them only at Noel Bazaar!
Isang maternity dress naman ang ibinigay ni Camille Prats na ginamit niya noong baby shower ni Baby Nala.
Black dress naman ang idinonate ni Sanya Lopez na ginamit niya noon sa 'Walang Tulugan.'
May pagkakataon din ang mga tao na makasama si Heart mag-shopping sa unang araw ng Noel Bazaar sa November 27 sa Filinvest Tent sa Alabang.
Alamin ang buong detalye tungkol sa Celebrity Ukay-Ukay sa report na ito: