
Sa ginanap na press conference ng My Korean Jagiya kanina (August 14), napuno ng emosyon ang bida ng show na si Heart Evangelista.
Tila nabigla ang aktres sa ipinakitang suporta ng mga tao sa bago niyang show kung saan maituturing na ring isang milestone on Philippine television dahil sa collaboration ng Korean actors at Kapuso talents sa isang telenovela.
My Korean Jagiya: All-out K-lig!
“Gusto ko lang magpasalamat sa GMA, sobrang salamat! Grabe ang pag-aalaga nila sa aming lahat and sa lahat ng cast, ang saya-saya ng staff,” ani ng Kapuso actress.
Hindi naman napigilan ng aktres na maging emosyonal dahil isa raw napaka gandang regalo ang My Korean Jagiya sa kanyang 19th anniversary sa showbiz.
“Actually, na-overwhelm ako, super na-overwhelm ako because it is such a nice project. To be given the opportunity after…salamat talaga, sobra! They also chose a real good [leading] man (Xander Lee), sobrang bait nila talaga. Salamat sa GMA, salamat sa lahat. Fighting!”
Sa pagtatapos naman ng press conference, nagsalita si Ms. Lilybeth G. Rasonable, GMA SVP for Entertainment TV at nag-iwan ng mensahe para kay Heart.
“This is your 19th year and we’d like to greet you happy 19th anniversary. We hope that this is a nice gift for you. Know that your GMA family is always behind you, love you Heart.”
*le cries* @heart021485 @alexander_0729 ????????
— KATE | ???? ???? (@ZEDDAWGGY) August 14, 2017
Credits: Heart's IG Story#MyKoreanJagiyaPressCon #MyKoreanJagiya pic.twitter.com/tVUqZhnCkX