What's Hot

WATCH: Hidilyn Diaz, humihingi ng tulong pinansyal para sa paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics

By Cara Emmeline Garcia
Published June 6, 2019 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Harry Styles opens up about Liam Payne's passing: 'It's so difficult to lose a friend'
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News



Buwelta ng Philippine Sports Commission, ibinigay nila lahat ng suportang kakailanganin ni Hidilyn Diaz para sa paghahanda sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Idinaan ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz sa Instagram ang kanyang hiling na suportang pinansyal mula sa mga pribadong kumpanya para sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

Aniya, “Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020?

“Hirap na hirap na ko, I need financial support.

“Sa tingin niyo okay lang kaya, nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.”

Pahayag naman ni Chairman Butch Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC), ibinigay nila ang lahat kay Hidilyn, lalo na sa paghahanda niya sa nalalapit na kumpetisyon sa 2020.

“More than one hundred percent,” sagot ni Ramirez.

“Whenever we treat an athlete, ibinibigay [namin] lahat ng kailangan niya. Hidilyn is a superstar to us even up to now.

“So if in case she has some problems, we are here to help her.”

Inaasahang magkakausap ang kampo ni Hidilyn pati na si PSC Chairman Ramirez ngayong araw (June 6).

Panoorin sa ulat ni Susan Enriquez: