
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng baby shower si Kapuso actress na si Camille Prats. Sa kanyang programa na Mars, ipinasilip ng seven-month pregnant mom ang kanyang Princess themed baby shower na in-organize ng kanyang sister-in-law at kapwa celebrity na si Isabel Oli-Prats.
Kuwento ng asawa ni Camille na si VJ Yambao, tinutulungan niya ngayon ang aktres na mag-doble ingat dahil malapit na niyang ipianganak ang kanilang baby girl.
"Ngayong seven months siya, okay naman siya unlike 'yung first trimester. It was very hard for her. Sinusuyo ko lang siya tapos talagang inaalagaan ko siya. Ayoko siyang pinagbubuhat sa bahay, sinasabi ko na love ako na ang gagawa for you," saad ni VJ.
Kabilang ang Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan at Lovely Abella sa mga dumalo sa baby shower ni Camille.
Panoorin ang highlights sa video na ito: