
Shocking ang mga naganap sa event ng isang popular shampoo brand na Head & Shoulders sa Bonifacio Global City sa Taguig dahil sa nakakatawang eksena sa pagitan ng social media star na si Nico Bolzico at filmmaker na si Janina Manipol.
READ: Nico Bolzico wants to give Patato a sibling this year
Sa Instagram post ng hubby ni Solenn Heussaff, makikita ang video na inupload ni Nico kung saan binuhusan niya ng tubig si Janina nang mag-malfunction ang faucet na ginagamit niya para i-shampoo ang filmmaker.
Panoorin ang buong pangyayari sa video below:
Nagkomento sa Instagram video si Janina Manipol na hindi minasama ang mga nangyari. Nag-biro pa ito na maghihiganti sa Argentinian businessman at nag-volunteer pa tumulong si Solenn.
Hindi naman nakalimutan ni Nico na humingi ng paumanhin kay Janina.