
Sa Mars "On-The-Spot," napasalang ang The Better Woman stars na sina Andrea Torres at Derek Ramsay sa matinding round ng chikahan.
Dito, tinanong ang dalawa tungkol sa kanilang best quality pagdating sa work ethic. Kuwento ni Derek, feeling safe daw ang kanyang female co-stars kapag kasama siya sa eksena.
Aniya, "Magaling daw ako to make [others] feel safe. Kasi most of my movies have bed scenes and I want my partner to feel that they're safe with me and that I respect her very much and we're going to be professional about this so she doesn't feel awkward."
Ayon naman kay Andrea, palagi raw siyang on-time sa set.
"Never akong nale-late. Pero minsan sobrang aga na talaga, two hours before na ata. Sabi nga ng handler ko minsan 'Ano ba 'yung call time? Mamaya pa!' Nagmo-mall na lang ako, nagkakape. Kasi feeling ko 'pag na-late ako, parang napapraning ako na lahat na ng gawin ko, dyina-judge. Asar na sila sa 'kin the whole day. Feeling ko nasisisi ko na 'yung sarili ko sa lahat ng nangyayari," wika ng aktres.
Panoorin ang buong chikahan sa Mars video below: