
Makakasama na kayo ng StarStruck council sa pagpili ng inyong paboritong artista hopeful sa original reality-based artista search ng bansa.
Binuksan na ang StarStruck season 7 online at text votes para magkaroon ng pagkakataon ang viewers na pumili ng kanilang hopeful na nais na mag-survive. Ang 50% ng total score sa pag-judge ay magmumula sa combined text and online votes ng viewers. Samantalang ang natitirang 50% ay naman ay magmumula sa scores na ibibigay ng StarStruck council.
Para bumoto through text, i-text lamang ang StarStruck (space) first name ng hopeful na nais iboto. I-send ito sa 4627 para sa lahat ng networks.
Sa mga nais naman bumoto online, mag-log on lamang sa gmanetwork.com/starstruckvote at sundin ang nakasaad na instructions.
Panoorin ang video na ito para sa kabuuang detalye ng pagboto ng inyong favorite hopeful sa StarStruck season 7!