What's Hot

WATCH: Hustisya para kay Mamang Binatog

By Bianca Geli
Published July 31, 2018 3:37 PM PHT
Updated July 31, 2018 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Spurs vs Warriors, Celtics vs Heat, and other games
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News



Marami ang naantig sa litrato ng isang lalaking naaksidente habang naglalako ng binatog. Sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' ipinakita ang sinapit ni Mamang Binatog o Tatay Pido.

Marami ang naantig sa litrato ng isang lalaking naaksidente habang naglalako ng binatog. Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakita ang sinapit ni Mamang Binatog o Tatay Pido. Na-litratuhan na nagpupulot siya ng mga natapon na paninda matapos mabangga at takbuhan ng isang tricycle.

Nag-viral kaagad sa social media ang kaniyang litrato, at marami ang nagalit at naawa sa nangyari kay Tatay Pido.

Magsisimula pa lang daw sana magtinda ang 58-anyos na si Tatay Pido noong July 20, nang bigla na lang may tricycle na bumangga sa kanya.

Kuwento ni Tatay Pido, 'Nung pagkatumba ng bike ko, taob na 'yung binatog ko 'doon sa may kalsada. Masamang-masama ang loob ko dahil kasama ko 'yung apo ko at natumba kaming dalawa."

Sinubukan pa raw ni Tatay Pido na habulin ang tricycle, ngunit humarurot lang ito. Mabuti na lang at may mga mabubuting loob na tumulong sa kaniya.

Makuha pa kaya ni Tatay Pido ang hustisya? Alamin sa KMJS:

Video from GMA Public Affairs