
Mas magiging masarap ang Media Noche ninyo with these drink recipes.
Sawa na ba kayo sa inyong typical New Year's Eve menu? Narito ang mga sweet coolers na inihanda nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos sa Idol sa Kusina na puwede ninyong i-serve sa inyong mga bisita.
1. Melon-Cucumber Samalamig
Sa ilang steps lamang, magagawa na ninyo itong Pinoy cooler with a twist of cucumber. Ito ay ang perfect na ihanda kapag mayroon kayong All-Pinoy menu ngayong holiday season.
2. Fruit Fizz
Kung sawa na kayo sa typical soda drink, samahan ito ng syrup, mint, at ilang frozen fruits para magawa itong Fruit Fizz na ituturo ni Bettinna.
3. Fruit coolers
Ilang options ang puwede ninyong pagpilian sa fruit coolers na ituturo nina Chef Boy, Bettinna, at Nova Villa. Panoorin kung Mango-Ginger, Melon-Buco o Guyabano ba ang inyong perfect sweet ending sa inyong New Year's celebration.
4. Mango-Strawberry shaved ice
Ilang key ingredients lamang at matitikman na ang mango-strawberry concoction nina Chef Boy at Bettinna.
5. Mangga-Sampalok Shake
Para sa mga adventurous sa food, ito ang perfect treat para sa inyo. Ang Mangga-Sampalok shake recipe ni Bettinna ay siguradong bibida sa inyong yearender menu.