What's on TV

WATCH: 'Ika-6 Na Utos' stars, nag-react sa toy gun memes!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 31, 2017 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



"Ang gagaling nilang mag-conceptualize!" - Gabby Concepcion 

Kung natuwa kayo sa viral videos ng mga maiinit na eksena sa number one afternoon drama sa bansa na Ika-6 Na Utos, natuwa din ang cast sa mga memes na kumakalat sa social media.

LOOK: Toy gun ni Georgia sa ‘Ika-6 Na Utos,’ patok online! 

Lahat na lang yata ay pinag-aagawan nina Emma at Georgia, kabilang na ang red baby stroller sa mall.

Ito ang pinagmulan ng away ng dalawa at nauwi sa pagtutok ni Georgia ng Nerf gun kay Emma. Maraming trolls at memes ang kumalat sa Internet patungkol sa naturang eksena.

Hiningan ng Unang Hirit ng reaksyon si Kapuso star Ryza Cenon na siyang gumaganap bilang ang kontrabidang kabit tungkol sa eksena na iyon, “Seryoso ‘yung mga linya tapos seryoso hitsura namin, bigla akong tumutok ng Nerf [gun] so nakakatuwa kasi parang maraming natutuwa doon sa mga eksena namin kahit medyo mabigat. Alam mong maraming nanonood.”

Natuwa naman si Rome o si Kapuso leading man Gabby Concepcion sa creativity ng mga Pinoy, “Na-impress ako dahil ngayon lang din ako nakakita ng mga dino-drawing ako at ‘yung iba nating mga kasama. Maraming salamat sa contribution ninyo. Ang gagaling nila mag-conceptualize.”

Pati si Angelo na ginagampanan ni Kapuso actor Mike Tan ay natatawa, “Nakakatuwa kasi heavy drama kami, pero nakikita din nila at nare-realize na meron nga talagang fun side doon sa story at doon sa nangyayari.”

Bahagi ng aktor na mas maraming matitinding eksena pa raw ang kanilang kinunan kaya dapat iyon abangan ng mga manunuod kada 2:30 p.m. mula Lunes hanggang Sabado.

Video from GMA News