
First time na nag-sexy ni Sahaya actress Ashley Ortega para sa isang summer photo shoot.
Kabado man daw siya nung una, in-enjoy na lang niya ang mga photographs suot ang kaniyang bra top at thigh-high slit skirt.
Pahayag ni Ashley, “Since it's a summer campaign, mas safe siya for me to play around with a swimsuit and be sexy. Pero na-condition ko na din sa mind ko na just be myself.”
Confidence din ang ipinakita ni Edgar Allan Guzman. Ayon sa aktor, kung papipiliin siya, mas confident daw siya kaysa sexy.
“Hayaan ko na lang sa mga tao mag-decide kung sexy man o hindi. Basta ako, confident ako.”
Young and preppy naman ang look ng Legaspi twins na sina Mavy and Cassy.
Kuwento ni Cassy, secret weapon daw niya ang kaniyang kapatid para lumabas na maganda ang mga larawan.
Aniya, “I listen to him [Mavy], eh. 'Cause I trust him and he knows my angles.”
Silipin ang hot na hot na photo shoot sa chika ni Nelson Canlas:
WATCH: Ilang young Kapuso stars, ibinida ang sexy figures sa summer-themed pictorial