
Hindi magpapahuli ang ilang Kapuso celebrities ngayong Pasko dahil ngayon pa lang ay naghahanda na sila ng kani-kanilang mga ibibigay na regalo.
Inamin ni Bubble Gang star Arny Ross na nagpupunta siya sa Divisoria upang mamili ng murang mga gamit na puwede niyang ibigay sa mga malalapit niyang inaanak.
Kuwento naman ni Cain at Abel star Solenn Heussaff, hindi na sila masyadong nagbibigayan ng regalo dahil malalaki na sila kaya naman nagbibigay na lamang sila ng donasyon.
Alamin pa ang ibang celebrity Christmas gift ideas sa Unang Balita report na ito: