
Simpleng selebrasyon lang daw ang gusto ng mga celebrity dads na sina Dingdong Dantes, John Estrada, at Luke Mejares.
Mas gusto daw kasi nilang makasama ang kanilang mga pamilya sa araw na ito.
"Mag-aantay na lang ako ng kung anong ibibigay sa akin. Pero ako, gusto ko lang 'yung normal routine. 'Pag gising ko sa umaga, kasama ko sila tapos chill lang kami. Okey na 'yun," bahagi ni Dingdong.
Ganito din daw ang nais gawin ni John sa Father's Day.
"Gusto ko, lahat ng mga anak ko, kasama ko sa bahay. Kumakain kami, nagka-karaoke," bahagi niya.
Hindi rin daw balak mag-out of town ni Luke at mananatili sila sa Manila ngayong weekend.
"Dito lang sa Manila. Hindi kailangan mag-out of town basta makasama ko lang 'yung dalawang anak ko tsaka si misis, okay na sa kin 'yun," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Please embed: <iframe src='https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/503196/ilang-celebrity-dad-simpleng-selebrasyon-lang-ang-gusto-kasama-ang-pamilya-sa-fathers-day/evideo/' width='640' height='380' frameborder='0'></iframe>