
Naging tradisyon na sa mga Pilipino ang pagbisita at paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay sa araw ng undas. Ngunit para sa ilang celebrity, pagkakataon ito para maka-bonding ang kanilang pamilya.
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, family day ang turing nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Baby Zia sa Halloween. Nag-bonding naman sa beach sa Guam ang pamilya ni Gabby Eigenmann. Kasama rin nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kani-kanilang pamilya sa Boracay sa araw ng undas. Samantala, sa Palawan naman ang naging getaway ng pamilya ni Gil Cuerva.
Sa Venice, Italy na sinalubong n Lovi Poe ang Halloween, habang ang kanyang best friend na si Heart Evangelista ay nasa Tokyo, Japan kasama ni Senator Chiz Escudero para sa isang official visit doon. Ang pamilya Alcasid ay nasa San Francisco, USA naman ngayon para na rin magbakasyon. Si Mikael Daez ay kasalukuyan ding out of the country at nasa Pulau Ubin, Singapore.