What's Hot

WATCH: Ilang Kapuso stars, nag-share ng throwback photos nila kasama ang kani-kanilang ama

By Jansen Ramos
Published June 16, 2018 1:05 PM PHT
Updated June 16, 2018 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman nina Benjamin Alves, Mikael Daez, at Regine Velasquez sa tuwing dumadating ang Father's Day.

Ishinare ng ilang Kapuso stars sa kanilang social media accounts ang kanilang throwback photos kasama ang kanilang mga ama para sa Father's Day.

"Carbon-copies" ang Kapuso hunks na sina Benjamin Alves at Mikael Daez ng kanilang ama sa childhood photos na kanilang ipinost sa Instagram.

Ayon kay Ben, pinakamasaya raw ang kaniyang Daddy Ebet kapag buo ang kanilang pamilya. 

May bahid naman ng pangungulila ang Father's Day celebration nila Mikael Daez dahil pumanaw na ang kanyang daddy Leo noong 2004. Pero aniya, "Nag-re-reflect ako 'pag Father's Day. Sabi ko, I'm so similar to my dad pala. So, touching siya siyempre, nakaka-senti pero I'm just happy." 

Bago pa man lumipad patungong Dubai sina Regine Velasquez, Christian Bautista at Julie Anne San Jose para sa third leg ng '3 Stars 1 Heart' concert, nagbigay sila ng mensahe para sa kanilang ama.

Si Julie Anne, grateful sa pagiging supportive ng kanyang Daddy Jonathan.

"Sobrang grateful ako na may dad ako like him. And siya talaga 'yung sumusuporta sa 'kin and siya 'yung tumatayong haligi namin," dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Christian sa kanyang Daddy Ebert.

"I love you and I'm always thankful for everything that you have done to raise three men and to love our wonderful mother."

Si Asia's Songbird Regine, hindi daw maiwasang maging malungkot kapag Father's Day lalo na't apat na taon pa lang ang nakakalipas noong pumanaw ang kanyang Tatay Gerry. Emosyonal daw siya kapag naalala niya ang kanyang ama. "Whenever I sing a song or I'd see someone na feeling ko kahawig niya, or I'd go to a place na lagi naming pinupuntahan, I'd still cry."

Si Inday Will Alway Love You star Barbie Forteza naman, may video message pa para sa kanyang Daddy Tony! Thankful ang aktres sa suporta ng kanyang ama dahil ito ang lagi niyang kasama sa taping. "Hi, daddy! Happy, happy Father's Day. Thank you sa pag-aalaga mo sa'min and we love you!" pagbati niya.